travel blogging para sa yuppies

Travel Blogging Para sa mga Yuppies

Isang masayang paraan para maibahagi ang mga karanasan mo sa pag byahe ay ang pagsulat o pagawa ng isang blog. Marami rami na ring travel blogs ang naglipana na sa Internet at mas marami pa ang darating habang tumatagal.

Pero ang tanong, pwede pa ba ako o ikaw gumawa ng blog? Ang sagot ay oo. Hindi bawal gumawa ng blog at kahit na anong klase ng blog, pwede mong gawin, kahit “travel blog” pa yan o food blog. Wala ring pumipigil sa atin gumawa ng blog so malaya tayong gumawa kahit dis oras pa ng gabi o madaling araw. 

Ano ang Kailangan Ko Para sa Travel Blog?

May ilan tayong kailangan para magawa ang blog. Parang adobo yan o calderata, may iba-ibang timpla pero may mga importanteng sahog. Para sa travel blog eto ang ilan sa mga kailangan mo.

Internet

internet

Sa madaling salita, kung wala kang Internet, hindi mo maipo-post ang blog mo o ang mga imahe.

Blog Site

Sa ngayon may dalawang pagpipilian kung gagawa ka ng website – Wordpress at Blogger. Parehong libre at parehong marami ang gumagamit. Ilan sa mga kilalang Travel Bloggers sa Pilipinas ay gumagamit parin nito hanggang ngayon.

Camera 

Lahat ng travel bloggers or kahit iba pang klaseng bloggers ay parating may dalang camera lalo na sa lakad nila. Kahit anong brand pa ng camera ang gamitin mo, walang problema. Nasa sa iyo nalang yan kung gusto mo ng mga kuha ng sobrang linaw.

Laptop

msi

Sa iyong paglalakbay, importante ring mailagay mo sa blog ang iyong mga karanasan at mga litrato. Eto ang isang dahilan kung bakit kelangan mong mag-invest sa matibay na laptop na maari mong dalhin kahit saan.

Cellphone

samsung galaxy

Bukod sa kailangan moa ng smartphone para makausap ang pamilya at kaibigan, maari mo ring gamiting ang smartphone pang kuha ng mga larawan. Hindi rin naman masama maglagay ng mga “selfie” sa iyong travel blog, actually, nakakapagbigay pa nga ang mga ganitong larawan ng “identity” at “branding”.  At syempre, pag may selfie, di malayong magkaroon ka ng followers sa social media.

Travel Insurance

travel insurance

Sa maliit na halaga, ligtas ka at ang iyong mga mahal sa buhay gamit ang travel insurance. May iba’t ibang klase ng travel insurance at maari kang mag-kumpara gamit ang GoBear. Isipin mo, pag may nangyari sayo miski nasa airport ka palang hanggang sa aktwal na bakasyon mo, may maasahan kang tumulong sayo.

Ano ang mga Pwedeng Isulat sa Travel Blog?

Experiential

Para sa mga bagong travel bloggers, ang pinakamainam na istilo o style ng pagsusulat ng travel blog ay “experiential” o yung pagkwento ayon sa pagkakasunod sunod.

Kunan mo ng larawan mula ang pagalis mo ng bahay, ang pagdating mo sa airport  at habang nasa himpapawid. Ilagay mo ang naramdaman mo habang nangyayari ang lahat ng yon.

List

Kung pupunta ka sa ibang bansa, pwede kang gumawa ng blog na naglilista ng mga interesanteng bagay. Isang halimbawa, pumunta ka ng South Korea at nais mong isulat ang mga natikman mong pagkain. Pwede kang gumawa ng isang blog post na naglilista ng sampu sa pinakamasarap na pagkain sa Korea. Maraming pwedeng isulat na blog na ganito ang istilo.

Kung travel lang din ang paguusapan, wag kalimutang kumuha ng travel insurance. Bumisita sa GoBear para makapili ng pinaka bagay na insurance para sayo patungo sa pagiging isang ganap na travel blogger.