Sa kasalukuyan, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay nasa general community quarantine. Nangangahulugan na hindi lahat ng uri ng negosyo ay maari nang magbukas at mag-operate gaya ng dati.  At kahit mapunta tayo sa modified community quarantine at new normal, ang liksi ng negosyo ay hindi pa kaagad maibabalik sa dati.

Ang epekto ng coronavirus pandemic ay nag-iiba depende sa uri ng industriya na kinabibilangan ng negosyo mo. Ayon sa isang report, ang mga negosyong napapaloob sa industriya ng hotel, sports, furniture, restaurant, bars, film, laundry, clothing at amusement parks ang syang pinakaapektado.

Hindi man kabilang ang iyong negosyo sa mga nabanggit, tiyak na ito ay apektado pa rin ng pandemya. Batid namin ang kagustuhan mong makabangon muli kaya’t narito ang limang paraan upang muling kumita ang iyong negosyo pagkatapos ng quarantine.

1. Suriin ang laki ng pinsala sa iyong pinansyal na sitwasyon

Gaano kalaki ang nalugi mong kapital? Sa iyong income statement, kumusta ang benta, tubo at cash flow? Kinailangan mo bang magtanggal ng mga empleyado? Ilang buwang renta ang kailangan mong punuan?

Ang mga katanungang ito ay makakatulong upang mabigyan ka ng ideya kung magkano ang iyong kakailanganin sa pagbangon.

woman working on a laptop

2. Alamin kung kailangan ng karagdagang funding

May mga negosyo na may sapat na perang naitabi para sa emergency. Mapalad ang mga ito. Para sa marami na nabigla sa epekto ng COVID-19, walang sapat na pera upang mapagana muli ang negosyo. Marami namang opsyon upang makakuha ng sapat na pananalapi. Ang mga pampubliko at pribadong ahensya ay nag-aalok ng ibat ibang uri ng loans. Ang SSS ay may COVID-19 calamity loan. Ang gobyerno ay nag-aalok ng 0% interest loan sa ilalim ng Philippine Economic Stimulus Act bill na ipapatupad ng Department of Trade and Industry.

Sa mga pribadong lending institutition, nariyan ang business loan ng Global Dominion at ng Radiowealth Finance Corporation. Nariyan din ang ibat ibang uri ng personal loan mula sa mga bangko.

Apply for a personal loan today! Compare interest rates and other fees

3. Baguhin ang business plan kung kinakailangan

Kung noon ay dine-in lang ang inaalok ng iyong negosyo, subukang mag-alok ng take-out na may kasamang promo. Mahalaga ang business plan at marketing strategy upang muling makuha ang atensyon at tiwala ng mga mamimili. Kung noon ay nakadepende ka sa foot traffic lamang, maari mong ikonsidera ngayon ang pagkakaroon ng digital presence. Magset-up ng social media account o page upang maabot ang mga potensyal na kostumer na nasa malayong lugar.

baker

4. Irebisa ang iyong budget

Pagkatapos ng enhanced community quarantine, kailangan mong maglaan ng sapat na pera upang malagyang muli ang iyong imbentaryo. Marapat din na magkaroon ng budget para sa advertising o delivery services na patok sa panahon ngayon. Maari ding gumastos para sa ibang equipment na kakailanganin upang pagandahin ang iyong produkto at serbisyo.

May mga pagkakataon kung saan kakailanganin mo ring isantabi muna ang sarili mong kita o sahod mula sa iyong negosyo. Sa pamamagitan nito, mas mabilis na makakabangon at mapupunuan ang iba pang aspeto ng negosyo.

BASAHIN: Reshaping Your Business For The New Normal

5. Mag-set ng timeline sa pagbangon

 Ang pagpaplano nang may timeline ay makakatulong upang maisaayos ang lahat. Ang anumang programa na ilulunsad para sa megosyo ay dapat na may schedule. Halimbawa, ang mga susunod na dalawang linggo ay ilalaan upang maghanap ng supplier kung natigil din sa operasyon ang mga dati mong pinagkukuhanan ng suplay. Maaari mo na ring isabay rito ang paghahanap ng loan na may mababang interes. Pagkatapos nito, ilaan sa ikatlong linggo ang pagsasaayos ng iyong pwesto at stocks. Isabay rito ang pagpaplano ng bagong istratehiya.

woman

6. Sumunod sa health protocols

Hindi lamang ang budget at istratehiya ang kailangang baguhin sa operasyon ng negosyo. Bawat negosyante ay hinihikayat ng pamahalaan na magpatupad ng health protocols tulad ng physical distancing at pagsuot ng protective gear. Gaano man katindi ang pangangailangang kumita sa panahon ngayon, hindi pa rin natin dapat kalimutan ang kahalagahan ng kalusugan ng empleyado at mga kustomer.

7. Magkaroon ng kaalaman at kamalayan

Ang COVID-19 ay hindi matatapos at nagbabadyang manatili sa ating lipunan sa mahabang panahon. Bilang isang negosyante, makakatulong kung mayroon kang kaalaman at kamalayan sa lahat ng nangyayari sa iyong paligid. Mahalagang malaman ang mga anunsyo ng Inter-Agency Task Force upang makasunod sa alituntunin nito sa pagpapatakbo ng negosyo. Responsibilidad ng bawat isa na sumunod sa patakaran ng gobyerno upang maayos na maisakutparan ang anumang business o marketing plan.

Matuto ng tungkol sa tamang pamamahala ng iyong pera! Paunlarin ang kaalaman tungkol sa personal finance
GoBear team

GoBear team

GoBear Team - Our content creators collaborate to come up with finance articles that will make financial literacy a joy to learn and financial security an attainable goal.

MORE POST