Malamang, sinisisi mo ang stay-at-home health protocol sa pagkakaroon ng daan-daang item sa iyong cart at sa pamamalagi ni Manong Delivery sa iyong area upang ideliver ang order mo. Nakailang sabi ka na ba ng “last na”? Na sinundan pa ng “last na talaga!”. 

Ayon sa report ng Manila Times, mas marami ang nanonood sa live stream facility ng Lazada sa panahon ng Covid-19. Tumaas rin nang 15 beses ang pag-click sa mga essential at grocery online. 

READ: How to Use Your Credit Cards For Holiday Shopping

Hindi naman talaga maiiwasan ang pagbili online lalo pa at pinapayuhan tayo na manatili sa bahay. Hindi natin masisisi ang iba kung halos linggo linggo ay may delivery silang tinatanggap. Subalit paano nga ba makakatipid sa online shopping? Paano mababawasan ang sandamakmak na binabayaran sa delivery fees? Narito ang ilang mga tip para rito:

Magkumpara

Ang pagkukumpara ng mga produkto, presyo, nagtitinda, lokasyon at iba pang aspeto ay makakatulong upang mapili ang pinakamura at sulit na produkto. Sa kaso ng Shopee, may mga lumalabas na related products kapag tinignan ang isang item. Subukang tignan ang mga nasa listahan ng “From The Same Shop” at “Similar Products”. Madalas, ang mga ito ay mungkahi na mayroon ka pang ibang mapagpipilian. 

comparing

 

Kung ikaw ay magkukumpara, magkakaroon ka ng opsyon. Halimbawa, ang dalawang produkto ay may parehong presyo subalit mas mababa ang shipping fee sa isang shop kumpara sa isa pa. Malamang, doon ka na lamang sa may mas mababang shipping fee upang makatipid.

Huwag mag-checkout kaagad

Iwan muna ang item sa iyong cart nang dalawa hanggang tatlong araw. Mabibigyan mo ang iyong sarili ng pagkakataon upang mag-isip. Timbanging mabuti kung ang iyong bibilhin ay makakabuti sa iyo, makapagpapadali ng iyong trabaho o sulit sa kanyang presyo. 

READ: How the “Add-to-Cart” Habit Can Help You Save More Money

Habang ikaw ay nag-iisip, maglaan ng oras upang maghanap ng iba pang opsyon. Subukang magcheck sa ibang online shops. Kung kailangan mo na ang item, maari ka ring tumingin sa Facebook marketplace. Madalas ang mga ibinibenta rito ay mas mahal kaysa sa ibang shop, subalit hindi ka na maghihintay nang mahabang panahon upang makuha ang iyong binili. 

Sabi nga ng iba, “good things come to those who wait”. Matutong maghintay nang hanggang dalawang linggo bago bilhin ang anumang nasa cart. Kadalasan, nagkakaroon ng sale o bargain ang shop o ang platform na maari mong makuha. 

Bumili ng higit sa isang item mula sa isang shop

buy 3 discount

Gawin ang iyong makakaya na mabili ang iyong kailangan mula sa isa o dalawang shop lamang. Sa pamamagitan nito, makakatipid ka sa shipping fee at makukuha mo ang ilang mga bundle deal na iniaalok ng shop na iyon. May tsansa rin na magamit mo ang discount voucher kung aabot ang iyong bibilhin sa itinakdang minimum spend. Minsan mayroon pang mga libreng item ang ilang seller sa kanilang mga suki. 

Mag-ingat lamang kung gagawin ito. May mga shop na hindi na nabibilang nang maayos ang kanilang ipapadala dahil sa sobrang dami ng item na iyong binili. Huwag ipilit na bumili ng higit pa sa iyong kailangan. 

I-review ang iyong mga email

Kung ikaw ay subscriber sa email ng mga online platform, makakatanggap ka ng mga abiso tungkol sa sale o mga coupon para sa diskwento. Bago bumili, suriin ang iyong email. Tignan kung maayroon ding promo ang gagamitin na credit card. May mga credit card na nag-aalok ng installment kapag bumili ka sa kanilang mga partner merchant. 

sale

May mga code rin na ipinapadala sa email. Ang mga code na ito ay maaaring magamit online sa loob ng itinakdang panahon lamang. 

Pumili ng mainam na paraan ng pagbabayad

Halos lahat ng online shop sa panahon ngayon ay tumatanggap ng iba’t obang paraan ng pagbabayad:

1. Cash on delivery

Kilala ito bilang COD. Magbabayad ka nang cash kapag natanggap mo na ang item. Mainam ito sa mga mamimili na laging nasa bahay o may mapag-iiwanan ng bayad. Sa COD, hindi ka kakabahan na hindi dumating ang iyong binili sapagkat hindi mo pa ito bayad. Ang tanging negatibo sa paraang ito ay hindi ka makakakuha ng points mula sa iyong credit card. Minsan ay wala ring panukli ang delivery agent. Siguraduhing eksakto ang iyong ibabayad upang hindi mag-aksaya ng oras sa paghahanap ng barya o paghihintay ng sukli.

READ: 3 Ways To Fund Your Kid’s Online Learning Gadgets

2. Cash on pickup

May mga shop na nag-aalok ng cash-on-pickup. Ibig sabihin, ikaw ay magbabayad kasabay ng pagkuha mo ng item. Hindi ito ihahatid sa iyong bahay o opisina. Kailangan mong malaman saan ang pinakamalapit na hub upang makuha ang item. Mainam ito sa mga may sariling sasakyan at ayaw maghintay nang matagal sa kanilang bahay. 

May diskwento ka ring makukuha sa mga merchant na may opsyon ng COP. 

3. Debit/credit card

Ito na marahil ang pinakakilalang paraan ng pagbabayad sa ngayon. Kapag gumamit ng card, nangangahulugan na bayad na ang iyong binili at kailangan mo na lamang bayaran ang halaga sa iyong credit card. Hindi ka maghahanda ng cash sa oras ng delivery. Kailangan mo lamang siguraduhin na natanggap mo na ang item bago pa dumating ang iyong credit card billing statement. May mga pagkakataon na ang na-charge sa iyong card ay delayed ang shipment kung kayat nagbabayad ka na ng interes sa isang bagay na hindi mo pa hawak. 

cta

 

Gayunpaman, malaking bagay na makakabili ng isang item kahit wala kang pera. Malaking tulong ang mga credit card sa pagbili ng home essential at grocery online. Mabibigyan ka pa ng pagkakataon na kumita ng rebate, points at cash back.

4. Shop wallet

Mayroon ng mga shop na nagpapahintulot ng paggamit ng kanilang e-wallet upang mabayaran ang iyong binili. Mula sa iyong bank account, maari kang maglipat ng pondo patungo sa iyong shop wallet. Halimbawa, sa Shopee, maari mong i-link ang iyong GCash account sa pagpopondo. Madali itong gamitin sapagkat awtomatikong naka-set ito bilang iyong default payment method. 

Kung susumahin, ang shop wallet ay katulad din lang ng pagbabayad ng cash. Gayunman, maari mo itong gamitin sapagkat may mga shop na nag-aalok ng diskwento kapag ito ang pinili mong paraan ng pagbabayad. 

Isang malaking tulong ang pagkakaroon ng access sa mga shop online upang maproteksyunan ang iyong sarili laban sa virus. Mainam na planuhing mabuti ang pagbili at iwasan ang impulse purchase upang hindi magbayad nang higit pa sa nararapat. Sumagguni sa mga customer review upang malaman kung de kalidad ang produktong bibilhin. 

cta

 

Ailene Amaro

Ailene Amaro

Ailene is a history major turned language teacher turned finance writer. Stern and strict as she may seem, she spends her time away from her lesson plan with music and lyrics.

MORE POST